"DELIKADONG lumala yan, Eric?" sabi pa ni Ninang tungkol sa sore throat ko.
"Ano naman kung lumala. Di ba wala ka namang care sa akin?"
"Bat ba ang arte mo? Tinawagan na nga kita."
"Kasiy hindi pa ako kumbinsido?"
"Pupunta ka ba rito o hindi?"
"Pupunta."
"Mag-ingat ka. Gabi na."
Iyon lang at mabilis kong ibinaba ang telepono. Naligo ako kahit na may masamang nararamdaman. Ayokong humarap kay Ninang na amoy pawis. Masaya ako habang nagbibihis. Pagkaraan ng limang buwan, magkikita na kami ni Ninang Joy. At ano itong nararamdaman ko na may mangyayari? Ngayon na ba ang gabing iyon? Ewan ko. Kahit na gusto ko, may katiting na pagtanggi sa kabilang bahagi ng aking utak. Ako at si Ninang Joy sa isang kama.
Nang palabas na ako sa aking kuwarto ay eksaktong papasok naman sa kanyang kuwarto si Joey. May bitbit na plastic bag. Galing marahil sa grocery.
"O Pards, bihis na bihis ka. At ang bango mo pa. Saan ang punta?"
"Sa Ninang ko," sabi kong mabilis. Kung magpapatumpik-tumpik pa ako ay baka makahalata.
"Me party ba?"
"Oo. Birthday ng kaibigan niya. Imbitado ako."
"Saan gagawin?"
"Sa Naseem."
"Baka may tsikas doon samantalahin mo na."
"Oo nga."
"Sige ingat ka sa pagda-drive."
"Sige Pards."
Mabilis akong lumakad patungo sa kinapaparadahan ng kotse ko.
Ilang saglit pay banayad na akong tumakbo na ako sa highway patungong Riyadh Center. May isang oras ang biyahe ko bago makarating sa Naseem District. Minsan na akong nakarating doon.
Habang nagda-drive, si Ninang Joy ang nasa isip ko. Ngayon na nga siguro magaganap ang naiisip ko. Ngayong gabi na!
Itutuloy