Ang kasalanan ko Kay Kuya Felipe (34)

"AALIS na ba tayo Ate Tet?" tanong ko pagkaraan. May hinayang pa rin akong nararamdaman dahil wala na ang aking magandang pinanonood.

"Mamaya pa. Inip ka na ba?"

"Kala ko natatakot ka sa pelikulang ‘yan, Ate."

"Hindi ah. Mamaya na tayo umalis ha? Gusto mo bumili ng makakain mo."

Tumanggi ako. Busog pa.

Inayos ko ang pagkakaupo. Patuloy si Ate Tet sa panonood. Maya-maya’y inihilig muli ang ulo sa balikat ko. Prenteng-prente. Ganoon pala ang ginagawa niya kapag nanonood sila ng sine ni Kuya Felipe. Nasanay na mayroong sinasandalan ang ulo. Pero mas maganda raw sandalan ang balikat ko dahil malapad.

Iniwasan ko nang tumingin sa mga magsiyotang nasa tabi namin. Sa halip ay pumikit ako. Ako rin ang mahihirapan kapag nakakita pa ng mga panoorin na tulad ng nakita ko kanina. Ako rin ang kawawa. Habang nakapikit ay sariwa pa sa isipan ko ang mga ginawa kanina ng lalaki sa kanyang siyota. Matagal na nakababad sa loob ng palda ng babae ang kamay ng lalaki. Mahusay na mandurukot ang lalaki na kahit sa madilim ay alam kung paano ilulusot ang kamay o daliri.

Naisip ko naman kung bakit agad-agad na umalis ang magsiyota kanina kahit na hindi pa tapos ang pelikula. Saan kaya pupunta? Baka sa motel? Ganoon ang karaniwan kong naririnig sa mga nag-uusap at maski kay Kuya Felipe ay narinig ko na rin ang ganoon. Ang paglalambingan ng mag- katipan o magsiyota ay humahantong sa malamig na kapirasong silid. Kung pawang kabataan ang naglalambingan, malaki ang posibilidad na magkabuntisan dahil hindi na mapigilan ang "putukan". Noong bago pa lamang akong salta sa Maynila, ignorante ako sa mga ganoong usapan na may kinalaman sa pagsi-sex pero nang tumagal, mabilis din akong nakaagpang. Mabiro kasi si Kuya Felipe at ang mga pagkukuwento sa mga ganoong paksa ay idinadaan sa pabiro. Basta sa ganoong usapan ay maraming alam na kalokohan si Kuya Felipe. Hindi yata mauubusan ng mga ber-deng joke.

Naisip ko kung sa motel magtutuloy ang magsiyota kanina. Tiyak na "mabubutas" ang birheng bundok. Ang init ng kanilang mga katawan ay tiyak na sasabog. Magpapaubaya lalo ang babae hanggang sa tuluyang maibagsak ang kanyang puri.

Kumilos si Ate Tet. Sa pagkilos ay naituon ang braso sa aking "harapan". Hindi naman masakit pero ang pagsaling doon ay nagdulot agad ng buhay. Mula sa ulo ay sumulak doon ang dugo at naghumindig agad sa galit. Gusto kong alisin ang kamay pero hinayaan ko na. Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng aking pantalon.

(Itutuloy)

Show comments