Ang kasalanan ko kay Kuya Felipe (20)

"HINDI naman ako maganda," sabi ni Ate Tet.

"Maganda. Maganda ka ngang magdala ng uniporme," sabi ko pa.

"Sige ka bibigyan kita ng baon. Magkano bang ibinibigay ni Ipe sa iyo?"

"Beinte."

"Beinte? Saan aabot yon?"

"Hindi naman ako namamasahe. Nilalakad ko lang ang school namin diyan sa España."

"Kuripot pala si Ipe. Sige dahil sinabi mong maganda ako, etong P50."

"Salamat Ate," at mabilis kong ipinamulsa ang P50. Malaking bagay na sa akin ang halagang iyon. Maidadagdag ko sa aking naiipon."

Dahil doon ay naging malapit ang loob ko kay Ate Tet. Mabait pala. Pero marami akong napapansin sa kanya nang magtagal na. Minsan nahuhuli kong nakatingin sa akin lalo na kapag nasasalubong ko kapag galing ako sa banyo. Aywan ko kung anong ibig sabihin ng tingin na iyon. Siguro’y nababaitan lamang siya sa akin dahil pag nasa bahay siya ay hindi ko siya pinagtatrabaho.

"Ako na ang maghuhugas ng pinggang pinagkainan mo Ate Tet," sabi ko kapag na- una siyang kumain kay Kuya Felipe.

"Ay salamat Jimpoy ha? Baka mapasma kasi ang ka- may ko. Maghapon kasi akong nagtype sa opisina."

Magkasundo kami ni Ate Tet.

Ilang buwan ang nakaraan ay muli kaming lumipat ng tirahan. Sabi ni Kuya Felipe, maliit para sa amin ang dati naming tirahan. Nagrereklamo raw si Ate Tet. Bukod doon ay may mga daga sa kisame at masyadong ma-rumi at maingay.

At ilang buwan pa ang nakalipas, nalaman kong nag-aaplay sa Saudi Arabia si Kuya Felipe.

(Itutuloy)

Show comments