(Ang ilang pangalan ng tao,lugar sa kuwentong ito ay sadyang binago ng awtor)
IKALAWANG siyota ko si Kiko. Ang una nga ay ang dati kong kaklase sa college na isang lalaking lalamya-lamya kung kumilos. Inaamin kong minahal ko ang una kong siyota. Isang linggo makaraan kaming magkawalaan ay napaiyak ako. Nasanay kasi ako noon na lagi kaming magkasama, isa ring nursing student ang siyota ko. Kahit paano, may naiwan ding alaala ang pagbobolahan. Siguroy may asawa na ang kumag na iyon. Huling balita ko ay nasa Canada na. In-demand kasi ang nurse roon. Inaamin ko hindi naman gaanong naka-iskor ang siyota ko. Hawak-hawak lang sa kamay, kaunting danggil sa boobs ko. Ganoon lang. Lips to lips ang grabe. Unang halik ko ang lalaking iyon. Hindi ko gaano maramdaman ang sarap.
Si Kiko, ewan ko, pero hindi ako sigurado sa pakikipagrelasyon sa kanya. Gusto ko lang na masabing may siyota. Kung kaya ng ibang kasamahan ko na magsiyota kahit pangit sila, mas kaya ko dahil, may ipagyayabang din naman akong ganda. Para lang masabing may siyota kaya ko sinagot si Kiko.
May itinatagong hangin sa katawan si Kiko. Kung titingnan ay di mayabang pero kapag nagsalita na, parang electric fan sa lakas ng hangin. Pero kayang-kaya kong sanggahin ang hangin niya sa katawan. Tumutupi rin ang pakpak niya.
Normal sa magsiyota ang maghalikan. Ano ba naman iyong halikan? Masarap humalik si Kiko. Pero ang kasunod ng halik na iyon ay ang paggapang ng kamay ng kumag. Minsan kasing naglakas-loob pumasok sa kuwarto ko si Kiko. Nalusutan ang tangang guwardiya sa ibaba.
Gulat na gulat ako kung paano nakapasok.
"Baka may nakakita sa iyo?"
"Wala."
"Bat ka nagpunta rito?"
"Gusto kitang makita,"
"Naku ha?"
"Noong isang araw hindi tayo nagkita di ba?"
"Nag-usap naman tayo sa phone di ba?"
"Gusto ko makita ka."
"Pagnahuli tayo rito Kiko tiyak makukulong tayo."
"Okey lang kung magkasama naman tayo sa bilangguan."
"Tarantado!"
(Itutuloy)