MAHABA pa nga ang lalakbayin ni Col. Jamias patungo sa tuktok ng kanyang propesyon bilang alagad ng batas. Marami pang hagdang aakyatin, pero ang isang tiyak, lagi siyang lilingon sa kanyang pinanggalingan. Hindi niya malilimutan ang lahat ng mga taong pinagkautangan ng kanyang loob kaya naabot ang tagum-pay. Ang pagpapakumbaba na ipinamulat ng kanyang mga magulang ay hindi mawawala.
Paano niya malilimutan si WPD Director Chief Supt. Pedro Bulaong na higit pa sa kapatid ang kanyang turing. Takbuhan niya kapag may problema. Maraming naituro sa kanya si Bulaong.
Paano niya malilimutan si PNP Chief Hermogenes Ebdane, Jr.. Interior Sec. Joey Lina, ang mga opisyal ng National Police Commission (Napolcom) at mga taga-Civil Service Commission, Gen. Victor Tiangco, Gen. James Barbers, kay Gilbert Cruz at sa lahat ng mga kaklase niya sa Philippine National Police Academy. Ganoon din sa Mechelina Family ng Binangonan, Rizal.
Ang kanyang tagumpay ay hindi niya makakamit kundi dahil sa Panginoong Diyos at siyempre sa kanyang mahal na asawat anak na laging sumusuporta sa kanya sa lahat ng oras. Nagpapasalamat siya nang labis.
Paano rin naman niya malilimutan ang kanyang Uncle Rudy Arcega na maraming naituro sa kanya noong siya ay bata pa at maski nitong nasa serbisyo siya ay nagpapayo pa rin sa kanya. Kamakalawa ay namatay ang kanyang uncle at kasalukuyang nakaburol sa Fabie Estate, Paco. Nalungkot si Jamias sa pagkamatay ng kanyang Uncle Rudy.
Kung nakapagtanim si Jamias ng mga butil-pangkaisipan sa kanyang mga tauhan, mayroon naman siyang minimithi sa bansang Pilipinas. Ito ay ang pagkakaisa ng bawat isa. Kung magkakaisa at mawawala ang pag-aaway-away magkakaroon ng magandang kinabuka-san ang bansa. Magsisilbing ehemplo sa mga susunod na henerasyon. Ang magandang kinabukasang ito ang dapat nilang kamulatan. Dito higit na tatatag ang republika. "Magkaisa, magsama-sama at magtulung-tulong sana ang bawat isa," pangwakas na sabi ni Jamias.
(Susunod bukas: "Paano ako nalublob sa putik ng Riyadh?")