Jamias (Ika-75 labas)

(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

SA mga naging commander ng WPD-Station 3 (sumasakop sa Quiapo at Sta. Cruz area), si Jamias ang kauna-unahang nakaisip na maglagay ng mga police assistance desk sa matataong lugar gaya ng sa lobby ng Odeon Theatre na nasa Recto Avenue. Hanggang sa kasalukuyan ang assistance desk sa nasabing lugar ay naroon pa at ipinagpatuloy ng mga sumunod na commander ng "Tres".

Bukod sa Odeon, may mga inilagay din assistant desks noon si Jamias sa Gonzalo Puyat St. (dating Raon) Carriedo St., Quezon Blvd. at Avenida.

Iisa ang pakay ni Jamias kaya naglagay ng mga police assistance desk, para may mahingian ng tulong ang mga taong nangangailangan. Ang kanto ng Avenida at Recto kung saan naroon nga ang Odeon theatre ay kilala nang tambayan ng mga mandurukot, snatcher, at mga "kalapating hindi lumilipad". Masyadong busy ang nasabing lugar at napaka-raming tao. Bukod doon ay napaka-ingay dahil paboritong pagbabaan at pagsakayan ng mga matitigas ang ulong jeepney driver.

Nang maglagay ng assistance desk si Jamias, biglang bumaba ang insidente ng panghoholdap, pang-iisnatch at pandurukot sa nabanggit na lugar. Nawala rin noon ang mga "kalapating hindi lumilipad" sa paligid ng Odeon. Natakot marahil na hulihin ni Jamias.

Nang mga panahon ding iyon nakipag-ugnayan si Jamias kay Manila mayor Lito Atienza para maisulong ang proyektong Operation Bagong Buhay. Ang Operation Bagong Buhay ni Atienza ay upang masugpo ang droga at maging drug-free city ang Metro Manila. At hindi nagkamali si Jamias, sapagkat pinuri siya ni Atienza sa walang kapagurang kampanya laban sa droga.

(Itutuloy)

Show comments