Jamias (Ika-50 labas)

(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

BINITIWAN ng hostage taker ang babae. Naging malikot ang mga mata. Hawak pa rin ang kitchen knife.

"Pakawalan mo na sila. Akong bahala sa iyo," sabi ni Jamias

"Baka niloloko mo lang ako," sagot ng lalaki.

"Hindi. Pakawalan mo na ang mga ‘yan. Kawawa naman sila."

"Sige. Pero ipangako mo hindi ako maaano."

Umatras ang lalaki at pagkaraan ay mabilis na tumakbong papasok sa comfort room. Mabilis na sinenyasan ni Jamias ang mga babaing hostages na kumilos. Wala namang sinayang ang mga babae at nagmamadaling nagtakbuhan palabas. Sa isang iglap ay nakalayang lahat ang mga bihag. Parang winalis ang bahaging iyon ng restaurant. Pero para kay Jamias hindi pa tapos ang problema. Nasa loob pa ang lalaki at marami pang mangyayari.

Nagdatingan ang iba pang mga opisyal ng pulis makaraang makalaya ang may 19 na babaing serbidora ng restaurant.

"Nasaan ang hostage taker Colonel tanong ng isang opisyal?"

"Nasa CR."

"Anong ginagawa?"

"Di ko alam. Lalapitan ko."

Mabilis na lumapit si Jamias sa nakasaradong comfort room. Walang naririnig na ingay si Jamias.

Kumatok siya. Walang kumikilos.

"Lumabas ka na. Hindi ka maaano."

Nakarinig ng pagkilos sa loob ng CR si Jamias. Hindi mapalagay ang lalaki.

"Lumabas ka na. Akong bahala sa iyo."

"Paalisin mong ibang pulis. Baka barilin nila ako!" sabi ng lalaki.

Sinenyasan ni Jamias na lumayo ang mga pulis.

Show comments