Jamias (Ika-35 labas)

(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

ANG pagkakapatay sa Public Enemy No. 1 ng Maynila na si Mike Ampuan alyas Macmod ay nagbigay ng karangalan kay Jamias. Nagkamit siya ng mga parangal at papuri dahil sa katapangang ipinakita sa pakikipaglaban sa kaaway ng lipunan.

Ang mga papuring tinanggap ni Jamias ay hindi naman ikinalaki ng kanyang ulo at nanatiling nakasayad ang kanyang mga paa sa lupa. Hindi siya mapagmataas. (Editors Note: Noong November 21, 2003, pinirmahan na ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang promotion ni Jamias bilang Senior Superintendent. Siya ang pinakabatang naging full pledged colonel sa mga station commander ng WPD. Naka-assign si Jamias sa Station 5. Ang promotion ay nataon pa sa araw ng kanyang birthday noong Nov. 21).

Pero mas mabigat ang hinarap na pagsubok ni Jamias makaraang mapatay si Macmod. Sa kabila na napatay, patuloy pa rin ang paglaganap ng droga sa kanyang nasasakupang lugar. Ang Quiapo, partikular ang Muslim Area ang naging paboritong lungga ng mga drug pusher. Sa tingin ni Jamias, mas mabigat ang kalaban niya. Kung si Macmod ay iilan ang kasama, ang sindikato ng droga ay maraming galamay.

Subalit naging hamon kay Jamias ang problema sa droga. gagawin niya ang lahat para matigil ang drug pushing sa nasasakupang area.

Ibang estilo ang kanyang ginawa. Ang armas niya: Handy cam sa kaliwang kamay at kalibre .45 sa kanan. Humanda kayo mga tulak!

(Itutuloy)

Show comments