Susie san: Japayuki (Ika-13 labas)

(Ang mga pangalan ng tauhan at lugar sa kuwentong ito ay binago ng may akda sa pakiusap na rin ng nagtapat.)

PAGKATAPOS manalasa ang bagyo sa aking laman ay nakadama ako ng kaluwalhatian. Ibang klase talaga ang hayop na si Roy. Walang kupas. Ang anim na buwang paghihiwalay namin ay pinunuan ng labis-labis. Nalimutan ko ang lahat. Masaya ang naging bunga.

Bumangon ako at nagtungo sa comfort room para juminggel. Si Roy ay naninigarilyo. Nakatingin sa kisame. Parang may binabasa roon. Habang jumijinggel ay naiisip ko kung ilang pagtatalik ang magaganap sa amin ni Roy bago ako muling makaalis. Pinaghandaan ko na ang pagtatalik namin. May pangontra na. Contraceptives. Kung mabubuntis ako ni Roy nang wala sa panahon, tapos ang pangarap ko. Masagwa nang tingnan ang entertainer na may anak. Hindi pa panahon para roon. Darating kami roon pero hindi ngayon.

Nang lumabas ako sa CR ay nakita kong binubulatlat ni Roy ang aking shoulder bag. Hawak na ang case ng relong panlalaki.

"Akin ba ito?" tanong niya.

"Oo," sagot ko. ‘‘Maganda ba?"

"Baduy! Pero okey na rin. Kala ko binili mo ko ng sapatos?"

"Meron."

"Nasan?"

"Nasa bahay."

"Baka sinuot na ng erpat mo ‘yon."

"Ugok! Itinago kong mabuti sa maleta ko. Me susi ‘yon."

"Bat di mo dinala?"

"Sira ka pala. Pagbibitbitin mo ko nang nasa plastic bag."

"Yosi me dala ka?"

"Ang daming yosi rito ano. Imported din."

"Yung motorbike kong made in Japan."

Akala ko nagbibiro si Roy. Iyon pala totoo ang sinabi nun.

"Saka na lang. Pagbalik ko..."

"Pangako ha?" sabi at hinalikan ako sa pisngi.

Gabi na kami lumabas.

Nagpakasawa pa kami sa ligaya. Pasado alas-nuwebe ng gabi ako nakauwi sapagkat nag-SM pa kami ni Roy. Umungot pa kasi ng t-shirt at ibinili ko pa ng yosi.

Nasa salas si Itay, nakabulagta sa sopa. Humihilik. Lasing. Amoy na amoy ko ang beer na ininom. Halos mapuno ang bahay. Ibig kong masuka. Deretso ako sa kusina. Nakita ko sa mesa si Tony. Nag-aaral. Nakatingin lamang sa akin ng pumasok ako.

(Itutuloy)

Show comments