NANG masunog ang orphanage na Damas Pilipinas noong January 1999, maraming bata ang namatay. Nakagigimbal ang pangyayari. Mga walang muwang na bata ang nagbuwis ng buhay. Sina Sapitula ang unang nagresponde sa sunog at halos madurog ang kanyang puso nang makita ang nasunog na katawan ng mga bata. Hindi niya matagalang tingnan ang kaawa-awang mga bata na nasunog nang buhay.
Noong February 16, 1999, isang civic project ang inilunsad ni Sapitula na may kaugnayan sa nasunog na bahay-ampunan. Tinawag niya ang project na "PISO MULA SA PULIS PARA SA DAMAS PILIPINAS". Bawat suweldo ang mga pulis na nasasakupan ni Sapitula ay magbibigay ng donasyong piso. May 200 elements ang unit ni Sapitula. Ang project ay malugod na tinanggap ng director ng Western Police District at ganoon din ng mga namamahala sa Damas Pilipinas.
Isa sa mga namamahala ng Damas na si Lola Nena ang halos mapaiyak sa ginawang project ni Sapitula. Malaking tulong ang pisong donasyon para sa ampunan. Ang project ni Sapitula para sa mga kaawa-awang mga bata ay sinaluduhan ng mga kapwa niya pulis sa WPD. (Itutuloy)