Ikalawang araw nga mula nang makaalis si Rashid ay nagsimula na ang masasakit o mahahapding pangyayari sa aking buhay. Hindi ko maaaring malimutan ang lahat na iyon na para bang katapusan na ng mundo.
Dumating dakong ala-una ng hapong iyon si Mayman at ibig akong "pagparausan". Malakas na ang loob ng hayok sapagkat wala nang darating na pang-abala. Malaya nang magagawa ang lahat. Katatapos lamang ng Ramadan at sa tingin ko ang pagkakabakasyon niya sa sex (kung Ramadan ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga Muslim ang pakikipag-sex) ay para bang nagbigay nang matinding kaululan sa laman. Tinakaw lamang nang may isang buwang diyeta sa pakikipag-sex.
Tinawag ako sa kusina at niyaya doon sa kanilang kuwarto. Tumanggi ako. Sabi koy mayroon akong menstruation. Ikalawang araw. Nagsalubong ang kilay ng hayok. Ang mga matang mapupungay ay tumapang. Para bang hindi matanggap ang kabiguan.
"Kaif ant?" tanong na may taas ang boses.
"Hal tafhamani?" tanong ko rin. Hindi ba niya naiintindihan na mayroon akong menstruation.
Gimbal ako nang sabihin nitong maaari rin naman daw mangyari iyon kahit na may menstruation. Maaari naman sa ibang bahagi. Lalo akong nagimbal sa kanyang sinabi. Anal sex ang tinutukoy niya.
Ayaw kong pumayag subalit gaano ang aking lakas laban sa isang hayok na parang isang taon nang hindi nakatitikim ng "laman".
Hinila ako patungo sa kuwarto at doon ay nagsimula ang aking kalbaryo. (Itutuloy)