Dinampot ko ang riyals na bayad sa pagpuputa. Wala na akong magagawa pa. Natikman na ako ng hayop at inaasahan ko na ang madalas niyang pagpunta sa kuwarto. Tutuparin niya ang sinabi na muli kaming magtatagpo. Ngayong walang narinig sa aking pagtutol, lalo nang malakas ang loob ng hayok na ulitin muli iyon.
Tinupad nga ng hayok ang sinabi. Kinabukasan, dakong ala-una ng madaling araw ay dumating na naman sa kuwarto ko. Naipagpasalamat kong hindi nagpunta si Rashid sa kuwarto.
Mahilig talaga si Mayman. Ipinakita sa muling pagsibasib sa akin.
Nalaman ko mula sa kanya na may menstruation ang kanyang sowja (asawa). Huwag na raw akong masyadong dathat (masalita) at mapagtanong. Basta sundin ko na lamang daw siya.
Kung anu-anong "makamundo" ang ipinagawa niya sa akin. Gusto kong masuka sa hayok na si Mayman.
Parang ibig ko nang bumigay sa matinding hirap. Ibig ko nang tumakas. (Itutuloy)