Para akong tuod sa pagkakataong iyon. Nang ganap na mahubad ang puting thob ni Mayman ay lumantad ang balahibuhing dibdib at tiyan. Pagapang ang balahibo sa hita at binti. Walang ipinagkaiba sa isang hayok na gorilya ang nakatayo sa aking harapan. Nakangisi at ang mga mata ay bahagyang mapula dahil sa tilamsik ng liwanag mula sa lampshade.
Wala na akong pakiramdam sa pagkakataong iyon. Nagpaubaya na lamang ako. Nailagay sa ayos ang lahat at walang narinig na pagtutol. Naisanib ang balahibuhing katawan sa kayumangging kaligatan. Walang ipinagkaiba sa pagsasanib namin ng kanyang anak. Lamang, may damdamin ang pakikipagsanib ko sa anak. May nadaramang paghanga. Sa ama ay wala.
Binasag ng ungol ang madaling araw na iyon. Parang ungol ng isang asong ulol na matagal nang hindi nakalalasa ng buto. O mas magandang sabihin ay sa isang asong inagawan ng buto ng kapwa aso.
Iyon na nga ang aking katapusan sa hayok! Ilang singasing pa ng hayok at natupad ang kanyang matagal nang minimithi. Napasok ang kuweba at ilang sandali pa ay bumuhos ang masaganang tubig sa dati nang wasak na disyerto. Dumaloy ang tubig sa kung saan-saang dako. Ganoon man, walang hatid na ligaya ang pagragasa ng tubig. Pakiramdam koy nagkislutan ang aking laman. Hanggang sa maputol ang narinig kong ungol ng hayok.
Gusto kong umiyak pero hindi ko ginawa. Iyon ang gusto ko kaya nagpunta ng Saudi Arabia ang makatikim ng ginhawa.
Bago umalis ang hayok na si Mayman ay binigyan ako ng pera. Isang libong riyals ang iniabot sa akin. Hindi bat iyon nga ang aking hinahanap pera!
(Itutuloy)