"MAZA tamalin?" tanong sa akin ni Mayman makaraang maigiya ako papasok sa loob ng kuwarto. Ang kaliwang kamay nito ay maliksing nakahawak sa seradura ng pinto at naisara iyon. Narinig ko ang klik. Naisip ko, katapusan na nga ng katawan ko. Ang hindi naituloy noon ay ipagpapatuloy na ng hayok na si Mayman. Ang kuwebang kabubukas lamang ng kanyang anak na si Rashid ay bubuksan na naman. Napabuntunghininga ako. Kung sisigaw ako ng "saklolo" ay sino ang tutulong sa akin sa pagkakataong iyon. Hindi naman maaaring si Rashid sapagkat malay ba niya sa mga nangyayari? Si Mrs. Mayman? Lalong hindi sapagkat tiyak na ako ang lalabas pang may kasalanan. Gaano nang baligtarin ang lahat? Ako ang ididiin ni Mayman na may kasalanan kaya nangyari ang lahat.
Naisip ko, siguroy nakaguhit na sa aking palad, na malasahan nang hayok na si Mayman. Nakatakda sa akin na maging "parausan" ng mag-ama. Tanggap ko na ang gayon. Wala akong magagawa kundi tanggapin ang lahat sapagkat kung hindi ako nagpunta sa Saudi Arabia ay hindi naman mangyayari ang lahat ng ito.
"Maza torid?" Hindi ako umimik.
Inililis ang laylayan ng suot kong daster. Naghanap doon. Wala akong kakibu-kibo. Hindi bat ito ang aking hinahanap?
(Itutuloy)