Kay Rashid ko rin nalaman na ang trabaho ni Mr. Mayman ay isang docomentation specialist sa isang unibersidad. Bukod sa pagtatrabaho sa unibersidad ay mayroon din itong tindahan. Sinabi sa akin ni Rashid ang mga iyon sa paputol-putol na Ingles at Filipino. Kapag nakaalis ang mag-asawa ay makikipagkuwentu- han sa akin si Rashid habang may ginagawa ako sa laundry room o di kayay sa kitchen o sa salas. Nakatingin sa ginagawa ko na parang bang humahanga sa akin. Kapag pinupunasan ko ng alikabok ang mga gamit sa salas at nahuhuli kong nakatingin sa akin.
Ang pinag-aaralang unibersidad ni Rashid ay malapit lamang sa aming tirahan. Papasok ito sa umaga at sa dakong alas dos o alas tres ay darating na. Kami lamang ang magkasama sa bahay sapagkat si Mr. at Mrs. Mayman ay inaabot pa ng gabi sa kanilang tindahan. (Itutuloy)