"Medyo nalasing ako kagabi. Mapilit kasi sina Bong, ayaw ko na e pinilit pa ako," sa himig ay humihingi ito ng pasensiya.
Hindi siya umiimik. Gusto niyang iparamdam na naiinis siya. Ibig niyang pamukhaan na bakit ipinagsama pa siya rito gayong makikipag-inuman lamang pala.
"Mabuti hindi ako nag-blow," sabi pa ni Jay. "Sorry ha, hindi na kita naintindi rito."
"Okey lang," sagot niya.
"Mamaya gusto mo mag-swimming tayo."
Gusto niyang sabihing "mag-swimming kang mag-isa mo," pero hindi niya sinabi iyon. May kaunti pa naman siyang pagtitimpi. At saka hindi niya ugaling manghiya. Mahusay siyang kumontrol ng galit. Isang ugaling namana niya sa kanyang mommy. Sabi ng mommy niya, bumilang muna ng 10 kapag umaatake raw ang galit. Bumilang siya ng 10.
"May sasabihin ako sa iyo mamaya habang nagsu-swimming tayo."
Hindi pa rin siya nagsasalita. Pero gusto niyang itanong kung ano iyon.
"May dala ka bang pampaligo swimsuit?" tanong ni Jay.,
Tumango siya. Hinimas-himas ni Jay ang braso niya. Tanggal ang nadarama niyang pagkainis.
Dakong alas-9 ng umaga ay nag-swimming na sila. Malinis ang bahagi ng dalampasigan. Silang dalawa lamang ang nag-swimming. Si Bong at si Greg ay may-hangover daw. Hindi kaya ng katawan. Mabuti nga, gustong sabihin ni Lara. Pero bat si Jay, walang hangover? Siguroy kokonti lang ang ininom.
Nag-two piece siya. Idinesplay ang materyales kay Jay. Ipinagmalaki ang katawang datiy ala-Dabiana. Hangang-hanga si Jay.
Naghabulan sila sa buhanginan. Parang eksena sa pelikula. Sinabuyan siya ni Jay ng tubig. Ginantihan niya. Lumusong sila sa dagat. Hanggang baywang kaagad. Masarap sa katawan ang tama ng alon. Parang nilindol sila
"Anong sasabihin mo sa akin?" tanong ni Lara.
"Pakasal na tayo," sabi nitong walang kagatul-gatol.
Parang musika sa pandinig ni Lara ang sinabi ni Jay. Pinaulit niya rito ang sinabi at baka nagkakamali lamang siya sa narinig.
"Magpakasal na tayo."
Yumakap siya kay Jay. Binuhat na siyang tuluyan ni Jay. (Itutuloy)