Uod sa aking laman - Ika 120 labas

Taliwas sa aking inaasahan na ako’y pagtatawanan ng mga kapitbahay, awa at simpatya ang ipinaabot nila sa akin. Marami ang nagpayo sa akin na marami namang babae at madaling mapapalitan si Nilda. May nagpayong idemanda ko ng adultery si Nilda para mabulok sa kulungan. May katibayan naman daw ako dahil nahuli ko sa akto ang dalawa. Isa ang nagsabing dapat daw ay pinatay ko ang dalawa para nakaganti ng lubusan. Hindi naman daw ako mabibilanggo kundi paparusahan lamang ng destierro. Marami pa silang ipinayo. Mabuti nga rin daw at wala kaming anak ni Nilda sapagkat kung nagkaroon kami ng anak ay baka maging kawawa lamang. May nagpayong ipagbili ko na ang bahay at lupa sapagkat malas na itong tirahan. Nadilig na raw ng masamang likido.

"Huwag mo na siyang patatawarin kung sakali at bumalik sa iyo. Kakadiri ang babaing ’yon. Siguro e mahilig siya sa maanghang kaya super ang li...g sa katawan..."

"Baka kumakain ng siling labuyo ano?"

Iniwan ko na sila. Sa totoo lamang kapag pumapasok ako sa bahay ay parang mayroon akong kinatatakutan. Naaala ko ang gabing dumating ako sa bahay at mahuli sina Nilda at Jeffrey. Para bang ganoon muli ang mararatnan ko. Mas makabubuti na nga sigurong ipagbili ko ang lupa at bahay upang ganap na mapawi ang kasawiang naranasan ko. Kung magpapatuloy kong tirahan ang bahay na ito, dadalaw at dadalaw ang alaala ng kataksilan. Parang multong tatakot sa akin.

Kinabukasan ay dinalaw ko ang aking kapatid na si Ching sa kanyang bahay sa Caloocan. Gulat na gulat si Ching sa hindi inaasahang pagdating ko. Wala siyang kaalam-alam. Sinabi kong may tatlong araw na akong nakararating. Napuna nito ang kaanyuan ko.

"Parang galing ka sa sakit. Anong nangyari?"

Ikinuwento ko ang lahat. Para akong batang nagsumbong at sa kalauna’y hindi ko naiwasang hindi lumuha. Si Ching ay hindi naitago ang pag-iyak dahil sa awa sa akin.

"Ihanap mo ako ng manghihilot Ching."

"Bakit?"

"Nabalian yata ako sa tagiliran."

"Bakit, anong nangyari?"

"Tinadyakan ako ni Jeffrey."

"Walanghiyang iyon." Galit na galit si Ching.

Pinilit kong magpatawa sa pagkakataong iyon. "Di bale’t tumakbo naman siyang hubu’t hubad at kakalug-kalog ang bayag. Iniisip ko kung ano ang nangyari sa hayop na iyon. Hindi naman siya maaaring sumakay sa dyip."

(Itutuloy)

Show comments