Congw. Arroyo pinayagang magpagamot sa St. Lukes

Ini-eskortan ng mga pulis si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo  na lumabas ng Veterans Memorial Medical Center para dalhin sa St. Luke’s Medical Center sa QC matapos na payagan ng Sandiganbayan.- Boy Santos-

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo na sumailalim sa ilang pagsusuri  sa St. Lukes Medical Center.

Agad inatasan ng graft court  ang mga nagbabantay kay Arroyo na bumalangkas ng security plan para sa dating Pangulo na isasailalim sa urodynamic test na wala umano sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) na kung saan ay  naka-hospital arrest ito dahil sa mga kasong plunder  at katiwalian kaugnay ng ZTE broadband deal at paglustay umano sa pera ng PCSO.

Samantala, sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na  iginagalang  ng Palasyo ang desisyon ng Sandiganbayan.

Papasanin ni Gng. Arroyo ang magiging gastos nito sa St.Lukes at hindi ito kakargahin ng gobyerno.

 

Show comments