Para rin sa kanilang career: Mga may attitude problem hindi na uso ngayong 2015

Happy New Year sa ating lahat!

Nawa’y ang 2015 ay mas maging maganda, masagana, at mabuti sa ating lahat dito sa mundo ng showbiz.

Dasal natin na lahat ng mga nagkaroon ng alitan ay magkaayos na, lahat ng nagdemandahan ay idaan na lang sa mabuting usapan ang problema at ang mga artistang may mga attitude problem ay magbago na dahil hindi ninyo ikasisikat ‘yan!

Muli ay Manigong Bagong Taon sa ating lahat!

Mas maganda raw ang kaunti pero totoo: Sweet namimili na ng kaibigan

Sa pagpasok nga ng 2015, marami raw pasabog si John “Sweet” Lapus sa kanyang career.

Mukhang hindi na naman daw siya mababakante sa pagpasok ng Bagong Taon.

“Unang-una ay may bago akong pampaganda c/o of Doc Almond Derla of La Estetica in Tomas Morato. Bagong taon, bagong katawan, bagong ganda, fresh!

“Tapos may new sitcom ako sa TV5 ‘yung Mac & Chiz ni Derek Ramsay at Empoy Marquez. Nakakatawa ‘yon promise at this January 2015 na siya ipapalabas agad-agad.

“Patapos na rin ang horror movie na ginagawa ko na Mara under Regal Entertainment kung saan kasama ko sina Isabelle Daza, Jasmine Curtis-Smith, at Paulo Avelino.

“Tapos by February ay may new soap na ako ulit sa ABS-CBN 2, as promised by my Dreamscape Family.

“Hindi ako pinapabayaan ni Deo Endrinal. ­Imagine after 21 years since being a staff in Showbiz Lingo, siya pa rin ang boss ko.

“Then by summer ay shooting na kami ng Here Comes the Bride 2.

“This Saturday naman ay bida ako sa episode ng Ipaglaban Mo. Gaganap akong transgender na nagpakasal sa isang foreigner. Drama ang ginawa ko rito kaya bago ito.

“Kaya thank you Lord sa lahat ng blessings na darating pa sa 2015,” masayang balita pa ni Sweet.

Kelan lang nga ay medyo nag-emote si Sweet sa kanyang mga social media account. Tungkol nga ito sa ilang mga tao na akala niya ay kaibigan niya, pero hindi naman pala. Mga taong nagawa niyang ipagtanggol, pero noong siya na ang nasa alanganin ay wala ang mga taong iyon.

Kaya naman natuto na nga raw si Sweet na piliin na ang mga magiging friends niya.

“Mas maganda kasi na kahit konti lang ang friends ko, basta totoong kaibigan lahat.

“Kada nagtatapos naman ang taon, nagninilay-nilay ako. Hindi naman maiwasan kasi masyado akong emotional na tao.

“Importante kasi sa akin ang mga tunay na kaibigan. Tulad nitong nakaraang Christmas, magkakasama kami ng mga alam kong true friends ko. Sila rin ang nakasama ko nung New Year. Nagpa-cooking contest ako at nag-Miss Gay Lotto kami.

“Ang saya lang na nakakasama mo sa ganyang mga pagtitipon ay ang mga tunay na kaibigan mo,” pagtatapos pa ni Sweet na nagpapasalamat sa success ng Shake, Rattle & Roll XV nitong Metro Manila Film Festival.

Dustin Diamond nawalan ng career pagkatapos ng Saved by the Bell

Inaresto at kinasuhan ang dating Hollywood teen actor na si Dustin Diamond sa pagsaksak niya sa isang lalaki pagkatapos nilang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang bar sa Port Washington, Wisconsin last December 25, 2014.

Na-detain ang 37-year old-actor na nakilala sa ‘90s teen series bilang si Screech sa Saved By the Bell sa mismong araw ng Pasko sa Ozaukee County, pero pinagpiyansa siya sa halagang $1,000 kinabukasan. Pormal naman na siyang kinasuhan dahil sa kanyang ginawang “second-degree recklessly endangering the safety of another person, carrying a concealed weapon, disorderly conduct and use of a dangerous weapon.”

Ayon sa report ng Port Washington Police Department, rumesponde sila at exactly 11:15 p.m. on December 25 sa isang stabbing incident sa Grand Ave. Saloon.

Pati ang girlfriend ni Diamond ay kinasuhan din ng disorderly conduct, isang class B misdemeanor.

Nakasabay ni Diamond sa Saved By the Bell in 1989 ang TV host ng programang Extra na si Mario Lopez.

Napariwara si Diamond pagkatapos mag-end ang kanilang show in 1993. Hindi nag-take off ang kanyang career tulad ng mga ibang kasamahan niya sa show.

Show comments