Ang dapat biktima

Bakit ba bakit ba itong ating bansa

Habang nagtatagal parang balewala;

Mahina ang lahat sa mabuting gawa ;

Pero sa masama’y katiwa-tiwala!

 

Itong ating bansa’y maraming peligro

Sa bundok at nayon ay maraming Abu;

Sila’y pumapatay kahit may sundalo

Pagka’t ang mayaman sila’y suportado!

 

Mayayamang yao’t mga mambabatas

Ligtas sa parusa at saka sa Rentas;

Mga manggagawang sa maghapo’y hirap

Nagiging biktima dahil walang lakas!

 

Mga magsasaka huwag biktimahin

Dapat pahirapan ng mga NPA –

Ay ang mayayamang sa bayan ay taksil

Sila’y mga corrupt, mga tax evader!

Show comments