Lampong (187)

K­ ATULAD ni Sarah, matagal din silang naging mag-on ni Maritess. Maganda rin si Maritess at mabait. Empleada sa isang kompanya sa Makati si Maritess.

Natatandaan pa niya ang opisina ni Maritess. Iyon ang pinuntahan niya kinabukasan. Magbabakasakali siya.

Walang gaanong nabago sa opisina nina Maritess. Ilang beses na rin siyang nakapunta rito. Nasa third floor sina Maritess.

Papasok na siya sa pinto para magtanong sa information nang biglang lumabas ang isang babae na naka-uniporme.
Dito na lang siya magtatanong.

“Good morning Mam. Magtatanong lang. Dito pa nagtatrabaho si Maritess?”

“Sino pong Maritess?”

“Maritess Gallego.”

“Ah, wala na po siya rito. Matagal na po siyang nasa abroad. Nakapag-asawa po siya ng foreigner. Mayaman na po yun dahil ang asawa e may-ari ng pataniman ng strawberries…”

“Ah ganun po ba?”

“Sino ka po ba Sir?”

“Kaibigan niya.’’

“Ah.”

“Sige Mam, thank you.”

Umalis na si Dick. Lag­lag ang balikat niya. Wala na rin pala siyang aasahan kay Maritess. Wala na rin kay Sarah.

Si Gina kaya?

Kinabukasan, si Gina naman ang hinanap niya. Bank teller si Gina. Nasa may Buendia Avenue ang office nito.

Maaaring naroon pa si Gina sapagkat natatandaan niya, baka sa bankong iyon na siya tumanda. Ma­ganda naman ang palakad at maayos naman ang suweldo.

Hindi na siya nag-aksaya­ ng panahon, tinungo ang banko. Sa­bik na siyang makita si Gina.

Hindi alam ni Dick na magugulat siya sa mala­laman kay Gina.

Pagpasok niya sa banko ay nagtungo siya sa information. Ngayon lang siya nakapunta rito. Maski noong mag-on sila ni Gina ay hindi siya nakapunta rito. Hindi na niya maalala kung bakit.

“Mam magtatanong lang kung narito pa si Gina?’’

“Gina? Sino pong Gina?”

“Regina de la Cruz. Yung ma­ganda. May nunal dito sa may itaas ng kanang pisngi.”

“Ah si Mam Regie.­”

“Regie na ba siya?”

“E wala po siya rito. Kasi po asawa na siya ng may-ari ng bankong ito.”

Shock si Dick.

(Itutuloy)

 

Show comments