Grupong Karapatan sa Southern Tagalog, tinuligsa

Sa pahayag na ala-‘martial law’ sa San Narciso

SAN NARCISO, Quezon, Philippines — Pinabulaanan ng mga opisyal at residente ng isang barangay sa San Narciso, Quezon ang pahayag ng grupong Karapatan Southern Tagalog na tila may “Martial Law” daw sa lugar dahil sa presensya ng mga militar.

Ayon sa mga opisyal ng Barangay Guinhalinan, San Narciso Quezon, karapatan nila na bilang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ang maghigpit ng seguridad, magsiyasat at humingi ng mga legal na dokumento gaya ng ID, Police Clearance, at iba pang katibayan para sa temporary census ng mga dayuhan ng kanilang nasasakupan upang masubaybayan ang bawat aktibidad sa barangay.

Subalit ayaw umanong magpakita ng anumang legal na dokumento o anumang pagkakakilanlan ang grupo na pinamumunuan ng isang “Paul Tagle” kaya napilitan ang mga.opisyal na paalisin sila sa barangay.

Niliwanag din ng mga barangay officials na sa nangyaring engkuwentro nitong Disyembre 12, ay walang ginawang illegal na pag-aresto at panggigipit ang mga elemento ng 85th IB ng Philippine Army, at mga taga-barangay, bagkus ay dinala pa ng mga sundalo sa opsital ang isang civilian na si Ronilo Dela Cruz na tinamaan ng “bomba” o pampasabog ng NPA habang siya ay tumatakbong papalayo sa pinangyarihan ng labanan. Ngayon ay nasa maayos na umano siyang kalagayan kasama ang kanyang mga kapatid at asawa.

Sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan ng San Narciso, ang isa pang sibilyan na si Genaro Abenidos ay nasa maayos na ring kalagayan at nakabalik sa kanyang pamilya.

Kaugnay nito, naglabas ng resulosyon ang Sangguniang Barangay ng Guinhalinan na pinagpasyahan naman ng mga kawani sa ilalim ng BTF-ELCAC na ideklarang “Persona Non Grata” ang mga miyembro ng Karapatan Southern Tagalog.

Show comments