Dating preso may patung-patong na kaso, natagpuang patay

CAVITE, Philippines — Wala nang buhay na nakahandusay sa bakanteng lote nang matagpuan ang isang da­ting preso na may mga kaso kabilang ang droga, kamakalawa sa bakanteng lote sa Dasmariñas City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas “KC”, nasa hustong gulang, na naharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591, Robbery and Theft at kilala rin umanong involved sa droga.

Sa ulat ng pulisya, alas -8 ng umaga nang matagpuan ng isang residente dito ang biktima na nakahandusay sa Sanitary Compound Excess Lot, ng Brgy. Sta Lucia ng nasabing lungsod sa Cavite.

Inaalam pa ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at responsable sa krimen.

Show comments