Barangay chairman uli itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang beteranong barangay chairman habang sugatan naman ang dalawa nitong kasama makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Maganay, bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Chairman Wiliro Elisan ng Barangay Sta. Cruz, bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay. Naisugod naman sa Palma Hospital ang mga nasugatang sina Kagawad Reynaldo Baldicasa, at Juanito Encallado, barangay treasurer. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, magkakaangkas sa motorsiklo na minamaneho ni Baldicasa  sina Elisan at Encallado nang harangin at pagbabarilin ng tandem. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng cal. 9mm pistol at magazine ng cal. 45 pistol na may 10-bala na pag-aari ng nasabing barangay official.

Show comments