TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalunus-lunus na kamatayan ang sinapit ang 65-anyos na construction worker noong bisperas ng Pasko makaraang itong pugutan ng mister ng babaeng napaulat na kanyang kalaguyo sa Barangay Fula, bayan ng Buguey, Cagayan. Kinilala ni P/Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Buguey PNP ang biktima na si Dionisio Barbasa ng Barangay Simbaluca ng nasabing bayan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Benito Tabangay ng nasabing barangay. Lumalabas sa imbestigasyon na inabangan ng suspek ang pagdating ng biktima kasama ang kanyang misis na kanyang hinatid pauwi sakay ng motorsiklo. Mabilis na tumakas ang suspek matapos tagpasin ang leeg ng biktima sa harapan ng kanyang nagulantang na misis.