Titser inutas sa hapag-kainan

MANILA, Philippines - Napaslang 32-anyos na guro sa elementarya makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang naghahanda ng hapunan sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur. Kinilala ang biktima na si Darwin Buenafe, may asawa at nakatira sa Purok Talisay, Brgy. Diplo. Napag-alamang abala sa paghahanda ng hapunan ang biktima sa kaniyang pamilya nang pasukin at ratratin bandang alas-6:50 ng gabi. Samantala, palakad na lumayo ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril.

Show comments