Pulis inireklamo ng trader

CAVITE, Philippines  â€“ Isa na namang pulis na sinasabing sumisira sa imahe ng pulisya ang inireklamo ng may-ari ng bar kaugnay sa paninira ng ari-arian sa Barangay Fatima 2 sa Dasmariñas City, Cavite kahapon. Kinilala ang inireklamong pulis na si P03 Sadiry Curameng, naka assign sa Cavite Motorcycle Unit sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City at nakatira sa Barangay Emmanuel Bergado 2 ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni P02 Paulo Figueroa, inireklamo si PO3 Curameng matapos tutukan nito ng baril ang may-ari ng bar na si Jerked Arriesgado kung saan winasak pa ang pintuan at gate ng nasabing establisamento. Pormal namang kinasuhan ang suspek na pulis at pansamantalang pinalaya sa hindi nabatid na dahilan.

Show comments