Home owners administrator, kinatay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 61-anyos na homeowner’s administrator matapos na pagtatagain ng isang mister habang sugatan naman ang lala­king nagtangkang umawat sa suspek sa naganap na karahasan sa Barangay Malitlit, Sta Rosa City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Buenaventura Wagan, hepe ng Sta Rosa City PNP, kinilala ang biktima na si Victoriano Cardona ng Phase 1C, San Lorenzo South Subdivision sa nabanggit na barangay.

Sugatan naman si Charlie de los Reyes, 55, samantala, kinilala ang suspek na si Martiniano Enteria, 56. Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang palabas ng kanilang gate ang biktima nang lapitan at pagtatagain ng suspek na sinasa­bing lango sa alak.

 Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na may personal na alitan ang suspek at biktima.

Show comments