2 naghagis ng granada, dakma

MANILA, Philippines - Arestrado ang riding-in-tandem  matapos na maghagis ng granadang sumabog na ikinasugat ng dalawa-katao sa panulukan ng Governor Camins A­venue sa Zamboanga City, kamakalawa  ng hapon.

Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division Spokesman Captain Alberto Caber, ang mga suspek na sina Gary Martinez, 20, ng Brgy. Mampang at Albert Perez, 22, ng Barangay Curuan.

Nasamsam sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol  at isang granada.

Tinarget ng mga suspek ang Nissan Navarra (KFJ 885) na pag-aari ng home developer na si Hadja Radja ng Blue Homes, Zamboanga City habang naghihintay na bumerde ang traffic light sa nasabing intersection.

Sa nasabing insidente, isa sa dalawang granada ay sumabog  na ikinasugat nina Rudith Bejerano at ang 12-anyos na si Diether Carpio na kapwa ginagamot sa Zamboanga City General Center.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa Nuñez Extension Road subalit nakorner ng pulisya.

Show comments