CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Away-pamilya ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 51-anyos na magsasaka ng sariing kapatid na lalaki sa Sitio Puro, Barangay Buenavista sa bayan ng San Fernando, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Leo Cabiles habang nasakote naman ang suspek na si Eddie Cabiles, 46, biyudo, kapwa magsasaka at residente sa nabanggit na barangay. Napag-alamang nagkainitan ang mag-utol sa gitna ng kalsada kaugnay sa kani-kanilang pamilya kung saan humantong sa pamamaril.