Bigo sa pag-ibig, nagbigti

 QUEZON, Philippines - Winakasan ng 18-anyos na binata ang kanyang buhay matapos magbigti dahil sa pagkabigo sa pag-big, kamakalawa ng umaga sa Barangay Lagyo sa bayan ng Gumaca, Quezon. Ayon kay PO2 Reynan Luminario, dakong alas-5 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Ernie Bacanto na nakabitin sa tapahan ng niyog na may 50-metro ang layo sa kanilang bahay. Binanggit sa ulat na bago isinagawa ng biktima ang suicide ay dinamdam umano nito ang pagkabigo sa pag-ibig.

Show comments