Mister kinaliwa ni misis, nag-suicide

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 59-anyos na mister na sinasabing kinaliwa ng kanyang misis matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Tallang, Baggao sa Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO3 Francis Alipio ang biktimang magsasaka na si Renato De Gracia. Nabatid na umuwing lango sa alak ang biktima matapos na mabatid na may kalaguyo ang kanyang misis. Nagpaputok pa sa ere ang biktima bago nagbaril sa sintido.

Show comments