Mag-utol kinatay ng akyat-bahay

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng magkapatid na lola matapos na pagnakawan ay tinadtad pa ng saksak at pinagpapalo sa ulo ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Santor, Baggao sa Cagayan kamakalawa. Kinilala ang mag-utol na matanda na sina Erlinda Sabugal, biyuda, 56; at Martha Tamayo, 82. Ayon sa ulat, nagtagpuan ang bangkay ni Sabugal sa kusina ng kanilang tahanan habang ang katawan naman ni Tamayo ay nasa kuwarto nito katabi ng nagkalat na P30,000 cash. Sa salaysay sa pulisya ng manugang ng mag-utol na si Ruben Verbo, maaring nakatangay ng malaking halaga kung saan nagkalat ang bahagi nito sa pakikipag agawan ng mga biktima.

Show comments