Koreano tiklo sa kidnapping

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang Koreano matapos madakma ng mga operatiba ng pulisya sa kasong kidnapping sa Barangay Caloocan sa bayan ng Matnog, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Gilbert P. Moises ng Cebu Regional Trial Court Branch 18, si Kim Jong Seok ay dinakma sa loob ng Matnog Ferry Terminal na sinasabing tumakas mula sa Cebu patu­ngong Samar kung saan binalak na magtago sa bayan ng Matnog.

Show comments