GENERAL NATIVIDAD, Nueva Ecija , Philippines – Sa ikatlong beses na tangkang pagpapakamatay ay natuluyang salubungin ni kamatayan ang 20-anyos na lalaki matapos itong magbigti sa kisame ng kamalig sa likuran ng kanilang tahanan sa Brgy. Piñahan sa bayan ng General Natividad, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Manuel Catacutan, hepe ng PNP sa nasabing bayan, ang biktima na si Jordan del Rosario na sinasabing bading. Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na nagpakamatay nga ito matapos ang ikatlong pagtatangka sa kanyang buhay. Personal problem umano na hindi na ipinaliwanag pa ng pamilya ang isa sa dahilan kaya nagpakamatay ang biktima.