ILAGAN CITY, Isabela , Philippines – Nakalaya na ang pinaniniwalaang pinakamataas na cadre ng? Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa buong Cagayan Valley matapos na maglagak ng P.1 M piyansa sa korte.
Ang P 100,000 piyansa ay inirekomenda ni Regional Trial Court (RTC) Branch 17 Judge Andrew? Barcena na nagbigay daan sa pansamantalang kalayaan ni Randy Malayao na pinaniniwalaang si “Salvador del Pueblo” na pinuno at tagapagsalita ng Northern Luzon Command ng CPP-NPA.?
Si Malayao na tubong San Pablo, Isabela ay nasangkot sa pag-ambush at pagpatay ng walong sundalo sa San Mariano, Isabela noong 2007 at pagkakasugat ng dalawang pulis sa isinagawa nitong raid sa isang? detachment sa Quirino noong 2006.
Ayon kay dating Justice Secretary at GRP Peace negotiator Silvestre Bello III, si Malayao ay isa sa mga nakatala sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na nilagdaan ng pamahalaan at ?National Democratic Front (NDF) sa Netherlands.