Anak ng mayor dinedo sa KTV bar

MANILA, Philippines - Nagsilbing huling pag-inom na ng alak sa loob ng KTV bar ng anak na lalaki ng incumbent mayor matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bayan ng Sara, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala  ang napaslang na  si Neptalie Salcedo Jr na anak ni Mayor Neptali Salcedo sa nasabing bayan. Sa ulat ni  P/Chief Insp. Willy Diel, hepe ng Sara PNP na nakarating sa Camp Crame, umiinom ng alak sa 11/69 KTV bar ang batang Salcedo nang lapitan at ratratin ng mga kalalakihan kabilang ang isang alyas Andaya. Nagtamo ang biktima  ng walong tama ng bala ng shotgun at idineklarang patay sa Sara District Hospital. Nadakip naman si Andaya habang nakatakas ang itinuturong gunmen na sina Rocsien Bascugin at Richard Bascugin ng Barangay Malapaya.

Show comments