Credit investigator itinumba

ILAGAN CITY, Philippines - Wasak ang mukha at patay ang 39-anyos na cre­dit investigator matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng highway sa Barangay Libertad, Echague, Isabela kamakalawa.

Napuruhan sa kaliwang mata ang biktimang si Delfinado Mamaril ng Barangay Villasis sa Santiago City.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vicente Valdez, chief investigator sa Isabela PNP Office, lumalabas na pauwi ang biktimang nagmomotorsiklo nang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassin.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments