Mistaken identity: Lolo tinodas

BULACAN, Philippines  - Pinaniniwalaang mistaken identity ang pagpaslang sa 57-anyos na lolong karpintero na inakalang negosyante matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa Sto. Niño Subd. sa Barangay Perez, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Sta. Clara De Montefalco General Hospital ang biktimang si Alberto Fabie ng Brgy. Camalig sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ni PO2 Phillip Santos, lumilitaw na hinihintay ng biktima ang service vehicle ng kanyang among si Eleuterio Herrera sa nabanggit na lugar nang lapitan at ratratin. Natulala naman ang kanyang anak na si Archie Fabie matapos masaksihan ang krimen. Sa malalimang imbestigasyon napag-alaman na ilang trabahador ng negosyante ang pinatalsik nito sa hindi nabatid na dahilan kung saan inakala ng gunman na ang biktima ay si Herrera. Boy Cruz

Show comments