Ex-barangay chairman, itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang dating barangay chairman matapos ratratin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Sitio Magdagoson, Barangay Macanaway sa bayan ng Irosin, Sorsogon kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Miguel Burgos Fortes, 58, may asawa, ng Sitio Manggahan sa nasabing barangay. Batay sa police report, namamasada ng traysikel ang biktima nang dikitan at pagbabarilin ng tandem bandang alas-8 ng umaga. Wala naman nadamay sa pasahero ng traysikel kung saan narekober ang ilang basyo ng cal. 45 pistol. Ed Casulla

Show comments