Jeepney nag-dive sa bangin: 16 sugatan

MANILA, Philippines - Umaabot sa 16- katao ang iniulat na nasugatan makaraang mag-dive ang sinasakyang pampasaherong jeepney sa matarik na bangin sa highway ng Pasii-Lubuangan, Kalinga kamakalawa.

Sa ulat ng Kalinga PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa kahabaan  ng highway sa Barangay Ablig bandang alas-11 ng umaga.

Idineklarang nasa kritikal na kalaga­yan sina Bernadette Dayaman, 20; at Fay Gongon, 18, naisugod sa Kalinga Provincial Hospital kasama ang iba pang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na patungong palengke ang pampasaherong jeepney nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa mahulog sa bangin sa tabi ng highway.

Mabilis namang nag­responde ang mga elemento ng Lubuagan PNP at Lubuagan rescue team kasama ang mga sibilyang volunteer kung saan agad na isinugod sa ospital ang mga biktima.

Show comments