Mangingisda itinumba

CAVITE , Philippines – Sinasabing onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 23-anyos na ma­ngingisda ng mga di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Ligtong 1 sa bayan ng Rosario, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulsiya ang biktima na si Rolly Ledesma, 23, ng Juan Luna Street sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO1 Reniel Granado, lumilitaw na umiihi ang biktima nang lapitan at ratratin ng grupo ng kalalakihan. Isa rin sa sinisilip ng pulisya ang serye ng nakawan sa nabanggit na barangay kung saan sinasabing isinasangkot ang biktima.

Show comments