Kagawad tiklo sa droga

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang incumbent barangay kagawad na tulak umano ng droga ang ina­resto ng pulisya sa operas­yon sa Purok 8, Barangay Ibingay, Masbate City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Ronald Versales, nasa hustong gulang, may asawa, barangay kagawad ng Barangay Ban-ao, Placer, Masbate.

Ayon kay Masbate Provincial Director PSSupt. Eriberto Olitoquit, bandang alas-8 ng gabi ng dakpin ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte.

Nakumpiska mula sa naturang opisyal ang isang malaking plastic at maliliit na sachet na shabu saka ilang pang mga drug paraphernalia.

Show comments