Konsehal, trader bulagta

 MANILA, Philippines - Kapwa sinalubong ni kamatayan ang konsehal ng munisipyo at ang Chinese Malaysian trader matapos na mahulog sa tulay ang sasakyan sa Davao Oriental kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Councilor Romeo Bote Jr. ng Lupon, Davao Oriental at ang negosyanteng si Chinese Malaysian Won Ken Hung. Sa inisyal na ulat ng Davao Oriental PNP, naganap ang insidente sa Barangay Poblacion Batasan sa bayan ng Banaybanay bandang alas-12:30 ng madaling araw. Lumilitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan si Bote kaya nahulog sa may 15 talampakang lalim na tulay kung saan bumagsak sa kulungan ng baboy at manok. Nabatid na ang mga biktima ay dumalo sa kasalan sa Banay­banay kung saan nagkaroon ng sayawan at inuman at pauwi na sa bayan ng Lupon nang makasalubong si kamatayan. Ayon pa sa pulisya, nakainom si Bote habang nagmamaneho ng sa­sakyan. 

Show comments