Chairman dedo sa ambush

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa barangay chairman habang sugatan naman ang limang iba pa kabilang ang anak at asawa nito matapos pagbabarilin ang kanilang traysikel sa highway ng Barangay Tapao-tigue sa bayan ng Currimao, Ilocos Norte kahapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Chairman Melchor Pacris Sr. ng Barangay Sta. Victoria sa nasabing bayan. Nabatid na patungo sana ang mga biktima sa libing ng kanilang kamag-anak sa kalapit bayan ng Paoay nang tambangan ang kanilang sasakyan. Sa pagkabigla, bumaliktad pa ang traysikel na minamaneho ng biktima. Sugatan sa insi­dente ang anak na si Melchor Jr., asawang si Melda, hipag na si Grace Sabiyo at mga kapitbahay na sina Rose Pera at Lolita Tubera.

Show comments