2 sinaksak sa computer shop

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang dalawang estudyante matapos saksakin sa loob ng computer shop sa Tara Street, Barangay Pating sa Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Naisugod naman sa Masbate Hospital ang mga biktimang sina Vicente Natral Jr., 14; at Graciano Cornejo, 17. Samantala, nadakma naman ang suspek na si Mark Henry Pillejera, 20, binata at nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na magkakatabing naglalaro sa computer shop ang dalawang biktima at suspek nang magkainitan sa hindi nabatid na dahilan.Naawat naman ng may-ari ng shop kaya umalis ang suspek subalit pagbalik ay isinagawa ang pananaksak sa dalawang estudyante.

Show comments