Ama dinedo ng anak na adik

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napaslang ang 59-anyos na ama matapos pagsasaksakin ng sariling anak na sinasabing lango sa bawal na droga sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Padurog, Barangay San Ramon sa bayan ng Donsol, Sorsogon kamaka­lawa ng gabi. Base sa police report, natutulog ang biktimang si Eliseo Arevalo sa kanyang kuwarto nang pasukin at saksakin ng suspek na si Michael Arevalo, 21. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek at isa pang kasabwat sa pamamaslang na sinasabing nagtatago sa Imus City, Cavite. Napag-alamang binisita ng suspek ang kanyang ama para humingi ng pera subalit nabigo itong makahiram kaya nakipag-inuman na lamang sa kanyang mga kaibigan. Dito na isinagawa ng suspek ang balak na patayin ang sariling ama na sinasabing may kinikimkim na galit sa kanyang anak dahil sa pagiging iresponsable sa buhay. Ed Casulla

Show comments