3 patay sa road mishap

TUGUEGARAO CITY – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa mga bayan ng Gattaran at Solana sa Cagayan kamakalawa. Base sa police report, nasawi ang security guard na si Jonel Vidonia ng Barangay Singsingan, Amulung at si Robert Aggabao ng Barangay Maguiling sa bayan ng Piat matapos magsalpukan ang kani-kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Natapian sa bayan ng Solana, Cagayan. Samantala, namatay din ang security guard ng Doña Matilda Olivas Hospital na si Bonie Pagaduan matapos salpukin ng van ni Arnold Sagun ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Sta. Maria sa bayan ng Gattaran. Sumuko naman sa pulisya si Sagun ng Sta. Maria, Gattaran sa Cagayan.

Show comments