Guro todas sa tandem

MANILA,Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa guro ng hayskul makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pananawan, Marabut sa Samar noong Martes ng umaga. Kinilala ang napatay na biktima na si Raphael Deocadiz, guro sa Grade VI sa Osmeña Elementary School. Sa police report na nakarating kahapon sa Camp Crame, lumilitaw na naglalakad ang biktimang papasok sa pinagtuturuan nitong eskuwelahan nang harangin at ratratin ng tandem. Nabatid pa na bago pumasok ang biktima ay sinasabing nagtungo ang dalawang gunmen sa nasabing eskuwelahang kung saan kumuha ng impormasyon.

Show comments