Trader itinumba ng tandem

 NUEVA ECIJA, Philippines  – Binaril at napatay ang 26-anyos na negosyanteng babae ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Bantug, Muñoz City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rachelle Aycardo y Bernabe, may-asawa, ng Purok Bukang Liwayway sa nabanggit na barangay. Nabatid na kausap ng biktima ang kanyang dalawang tiyuhin na sina Lorenzo Bernabae, at Gregorio Bernabe nang pagbabarilin. Nabatid na bago maganap ang pamamaslang ay bumili pa ng yelo ang gunman sa biktima kung saan nagimbal ang dalawang tiyuhin ng biktima sa naganap na krimen. Agad namang isinugod sa Infirmary Hospital ngunit idineklarang patay ang biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments